Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pixar co-founder, hanga sa talento ng mga Pinoy

Tinaguyod ng Department of Tourism at Department of Trade and Industry ang pagsulong ng film at animation sa bansa tampok sina Eli Noyes ng Nickolodeon, Doug Barry, presidente ng Cartoon Network, at co-founder ng Pixar na si Ralph Guggenheim. Sa paglunsad ng kongreso sa “Made in the Philippines: From Storytelling to Storyselling”, naniniwala si Guggenheim sa malaking potensyal ng mga Pilipinong graphic artists dahil sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas na maaring paghugutan ng mga inspirasyon. Ayon pa kay Guggenheim, siya mismo ay tutulong sa paghubog ng mga talento sa tulong ng Cinemalaya Film Festival upang himukin ang mga lokal na filmmakers, graphic directors at artists na sumali at pagyamanin ang industriya ng film at animation sa bansa. (Manila Bulletin)