Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sulong patungo sa solar power

Mula sa Php 17.95 na projected tariff rate ay bumaba sa Php 9.68 per kilowatt-hour ang kikitain ng Enfinity Philippines Renewable Resources Inc., ang lokal na sangay ng Enfinity na nakasentro sa Belgium at isa sa pinakamalalaking solar power developers sa buong mundo. Ngunit sa likod ng mga balitang ito, isusulong pa rin ng grupo ang pagtatayo ng mga solar power portfolio sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar na hindi pa nadadaluyan ng kuryente. Ayon kay Dennis Ibarra, presidente ng Enfinity Philippines, isasakatuparan ng Belgium ang kalahati ng kanilang solar power investments sa bansa dahil halos 2/3 ng kanilang mga proyekto at serbisyo ay ginagamit ng National Power Corporation (NAPOCOR). Bagamat pansamantalang maaantala ang implementasyon ng solar power sa bansa, patuloy pa rin ang pag-aaral ng Enfinity Philippines para matugunan ang mga nakabinbin pang mga suliranin. (Philippine Daily Inquirer)