Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Breath analyzer, ikinasa

Naglunsad ng malawakang kampanya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga traffic enforcer.  Ang kanilang paraan ay ang paggamit ng breath analyzer test na gagamitin sa mga ito upang malaman kung nasa impluwensiya ng alak ang mga ito habang naka-duty.

Isinagawa ang breath analyzer test sa MMDA Traffic Emergency Station na pinangunahan ni Atty. Yves Randolf Gonzales, Director ng Traffic Discipline Office ng MMDA.

Sinabi ni Gonzales na araw-araw nilang gagawin ang testing sa iba’t ibang formation area ng mga traffic enforcers sa Metro Manila bago sila magsipag-duty. Ang parusang katapat sa mga magpopositibo ay suspensyon ng isa hanggang anim na buwan para sa unang pagkakataon at tuluyang pagsibak sa serbisyo kapag naulit pa ang offense.- (Abante)