Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Saludo sa “tulay” ni PNoy

Pinuri ng ilang religious groups at local government units (LGU) ang programa ni Pangulong Aquino na tinawag na “Tulay ng Pangulo” kung saan nagdulot ng malaking katiwasayan at kaligtasan ang ilang mga lalawigan sa panahon ng kalamidad. Sa mga hakbang na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Sec. Rogelio Singson, nagkaroon ng emergency bridge sa loob lamang ng sampung araw sa Burnay Bridge na 51 taon na at gumuho noong Oktubre 5, 2011 matapos ng pagragasa ng bagyong ‘Pedring’. Samantalang hiling naman nina Negros Oriental Rep. Henry Pryde Teves at Benguet Rep. Ronald Cosalan sa tulong ng programang ito na magkaroon ng emergency bridge calamity response unit sa kanilang lugar matapos yanigin ng lindol ang Negros Oriental at Cebu. Ang mabilis na aksyon ng DPWH ay dahil din sa tulong teknikal at mga materyales sa British supplier nito na Meby & Johnson at French supplier at donor na Eiffel-Matiere. (Abante)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *