Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

7.7M kaban ng bigas, aanihin

Kung sakaling lumala ang El Niño phenomenon sa bansa, may inaasahang 7.7 milyong kaban ng bigas ang aanihin mula sa mahigit 77,000 ektaryang lupang sakahan sa buong bansa. Ang aanihing bigas na ito ay magsisilbing reserba sa “third cropping” program ng Department of Agriculture. Sa ngayon ay sinisigurado ni Sec. Proceso Alcala na walang shortage ang magaganap at matutumbok ang rice sufficiency na target ng ahensya para sa natitirang buwan ng taon. Samantalang para kay Administrator Antonio Nangel ng National Irrigation Administration na wala itong nakikitang problema sa pagpasok ng tagtuyot dahil puspusan ang pag-aayos nila ng mga water dam at irigasyon sa buong bansa. Aniya, posibleng maging biyaya ang tagtuyot dahil mas makakapag-ani ng palay ang mga magsasaka kumpara sa baha at sirang dulot ng mga bagyo. (Abante)