Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pamahalaan at Rebeldeng Komunista, inaasahang magkakasundo

Umaasa sa isang obispo ng Simbahang Katoliko na magkakasundo ang gobyerno at rebeldeng Communist Party of the Philippine- National Democratic Front (CPP-NDF) sa harap na napipintong pagsasara ng kanilang usapang pangkapayapaan. Magiging malaking tagumpay umano ng gobyerno ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung magagawa nitong makapagsara ng kasunduang pangkapayapaan sa dalawang grupo ng mga rebelde.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, miyembro ng Permanent Council ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, makakamit lamang ang pag-unlad kung mananaig ang kapayapaan sa bansa. Pinapurihan ang hakbang na ito ng Pangulo upang isulong ang kapayapaan sa Mindanao.-(GMA News)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *