Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pag-amyenda ng cybercrime law, Okey

Nagpahayag ang Malacañang na na okey sa kanila at bukas ito sa anumang posibilidad na ma-amyendahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012, ito’y matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa pagpatutupad ng kontrobersiyal na batas. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ang 120 na araw na TRO ay pagbibigay-daan sa Kongreso para maamyendahan agad ang batas. Inihayag din ni Lacierda na ang pagpalabas ng TRO ay patunay na normal ang takbo ng gobyerno, taliwas sa mga alegasyon na umano’y may ipatutupad na “E-Martial Law.”-(Philstar)