Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Senador Recto, nag-resign

Sobrang pressure ang dahilan kung bakit nag-resign sa kanyang posisyon bilang Committee Chairman of Ways and Means si Senador Ralph Recto. Ipinahayag ni Recto ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng komite matapos siyang bansagan ng mga kritiko nito na “obstacle” o sagabal sa pagpasa ng nasabing panukala. “If my resignation is what is required to expedite the passage of this very important bill, then so be it,” I am suffering from what I would call “ways and means” fatigue,” pahayag ni Recto.  Si Recto ang nagrekomenda ng P15 bilyong koleksyon na dagdag buwis sa “sin products” sa unang taon ng pagpapatupad nito, malayo sa P31 bilyon na inaprubahan sa Kamara at P60 bilyon na iginigiit naman ng finance department.-(Abante)