Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga Guro, nanghihingi ng raise sa darating na 2013 eleksiyon

Sa bawat eleksiyon, mapa-lokal o nasyunal, makikita mo ang mga magigiting na guro na siyang gumagabay sa mga botante kung paano ang tamang paraan ng pagboto.  Sila ang unang-unang darating sa mga presinto at sila naman ang huling lalabas ng presinto o classroom dahil pagkatapos ng botohan ay magbibilangan na.  Dito natin maituturing na magigiting ang mga guro na dapat ay bigyang halaga ng pamahalaan.  Ang mga guro na ito na nagsisilbi sa eleksiyon ay kakarampot lamang ang suweldo, at madalas ay matagal bago sila mabayaran.  Kaya naman ang  Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay nagpahiwatig ng kahilingang itaas ang kanilang honorarium sa darating na 2013 midterm polls dahil ang kanilang mga trabaho bilang Board of Election Inspectors (BEIs) ay mas dumoble dahil sa paggamit ng automated election system (AES).

“There is a problem because they have clustered three precincts to use one precinct count optical scan (PCOS) machine… which should have nine teachers but instead they only assigned three,” pagpapaliwanag ni ACT secretary-general France Castro. – (Philstar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *