Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Senador Lacson, napupusuan ng Malacañang

Si Sen. Panfilo Lacson ang napupusuan ng  Malacañang para sa dalawang posisyon pagkatapos ng termino nito sa taong 2013.  Ang impormasyon ay kumalat sa hanay ng mga Liberal Party (LP) congressmen sa kamara kaugnay sa paglalagay ng bagong gabinete pagkatapos ng mid-term elections sa susunod na taon.  Si Lacson umano angang kinokonsidera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na papalit kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon.  Ito ay dahil makakasama umano si Biazon sa line up ng LP senatorial derby kaya mababakante ang posisyon.  At kung sakali mang hindi sa BOC ay maaari ring italaga siya bilang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na kasalukuyang pinamumunuan ngayon ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa. At kung matutuloy naman siya bilang hepe ng PAOCC ay mangangahulugan na nasa ilalim ng pamumuno ni Lacson kung sakali ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), Departments of Justice (DOJ), National Defense (DND), Foreign Affairs (DFA), National Security Council (NSC) adviser, Armed Forces chief of staff, Philippine National Police (PNP) director-general, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director general, National Bureau of Investigation (NBI) director at Philippine Center for Transnational Crime (NCTC) executive director.  Bukod kay Lacson, ikinokonsidera rin umano ng Malacañang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang kapalit ni Sec. Proceso Alcala na umano’y patatakbuhin ng LP bilang gobernador ng lalawigan ng Quezon.- (Abante Tonite)