Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pilipinas mag-eexport ng bigas

Matutupad ang ipinangakong ‘rice sufficiency program’ ng pamahalaan at sa susunod na taon ay hindi na mag-iimport ng bigas ang bansa sa halip ay mag-e-export pa tayo. Ito’y bunsod ng pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) at National Irriagtion Administration (NIA) para maisakatuparan ang lahat ng proyekto na inilatag nila bago bumaba sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino sa 2016.

Sinabi ni DA Secretary Proceso Alcala, hindi magtatagumpay ang rice sufficiency program ng gobyerno kung hindi sa pagiging hardworking ni Nangel at mga tauhan nito sa NIA na direktang nakikipag-ugnayan sa mga magsasaka sa bansa mula pa noong 2011.

Sa liderato ni Nangel sa NIA, may kabuuang 500,000 ektaryang lupa ang napatubigan nitong nakalipas na tag-init at tinatayang 1-milyong ektarya ng irrigation canals ang itinatayo pa para magamit sa susunod na taon.

Maging ang pagkalinga sa Inang Kalikasan ay binibigyan din ng pansin ng DA at NIA kung saan kamakailan lang ay nagtanim sila ng 1.5 milyong puno sa Pantabangan dam sa Nueva Ecija at 3.5-milyong ‘fruit bearing trees’ ang kanilang itatanim sa iba’t ibang dam sa bansa sa susunod na tatlong taon.- (Philstar)