Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Watermelon and Haloumi Salad

Isa sa pinakamasarap na keso na lalong nagiging espesyal ang lasa kapag ito ay igini-grill o ipini-prito . Masarap na ito kapag kinakain ng ito lamang pero bibigyan natin ng variety para sa panahon ng tag-init lalo na kapag gagamitin ito kasama ang piling fresh salad tulad ng grilled tomatoes at ang prutas na pang tag-araw na watermelon. Kapag pinaghalo ang mga ito ay siguradong ang kulay at lasa at magbibigay ng kapreskuhan sa iyong katawan.

Sangkap:
  • 1/2 cherry tomatoes
  • 200g Haloumi cheese, hiniwa
  • 1/2 maliit na watermelon, hiwainh pa- triangle
  • fresh basil, tadtarin
  • 1 pirasong bawang garlic, pitpitin
  • 1/2 tasang extra-virgin olive oil
  • asin
  • paminta
Paraan:
  1. Pahiran ang grill ng oil at i-grill ang haloumi cheese kasama ang cherry tomatoes. Hanguin mula sa grill ( kapag nakita ang bakas ng grill) at itabi.
  2. Ilagay ang watermelon, hinurnong haloumi cheese, cherry tomatoes at ang tinadtad na basil sa isang malaki at malukong na lalagyan.
  3. Pagsamahin ang olive oil at bawang at ibuhos sa salad. Lasahan ng asin at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net