Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chorizo, Chicken and Shiitake Carbonara

Ang Pasta ay ang Italian counterpart ng kanin sa Pilipinas o Asya. Napaka-versatile nito na pwede mo itong ihalo sa kahit na anong sangkap at makakagawa ka ng isang ulam.

Sangkap:
  • 300g Fettuccini or Spaghetti noodles, lutuin na ayon sa packet instructions
  • 3 pirasong Spanish chorizo, hiwain
  • 6-8 pirasong dried shiitake mushrooms, ibabad sa tubig at hiwain
  • 1 tasang hiniwang manok
  • 1 1/2 tasang cream
  • 1/2 tasang tubig
  • 3 itlog, batihin
  • kinudkod na parmesan cheese
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 maliit na puting sibuyas, tadtarin
  • olive oil
  • paminta
Paraan:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas at haluin hanggang ang sibuyas ay maging transparent.
  2. Idagdag ang chorizo at manok at lutuin sa loob ng 2 minuto.
  3. Idagdag ang mushrooms at iluto ng karagdagang 2 minuto.
  4. Ilakas ang apoy at ilagay ang lutong pasta, cream at tubig at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 1 minuto. Haluing mabuti ang sauce at pasta.
  5. Patayin ang apoy at ilagay ang binating itlog, ginudgod nga parmesan cheese at paminta. Haluing mabuti hanggang maluto ang itlog sa init.
  6. Ihain at budburan muli ng parmesan cheese.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net