Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Walong panukala, aprub!

Nakapila na sa pangalawang pagbasa ang walong panukala kahit na patuloy pa rin ang pagkakahati ng opinyon ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ukol sa proposed budget para sa 2013 na nagkakahalagang Php 2.006 trilyon. Sa kabilang banda ay tinapos na Kongreso ang debate ukol sa budget ng Department of Agriculture at umusad na sa pangalawang pagbabasa. Ilan sa mga kasama pang panukalang inaprubahan ay ang Overseas Absentee Voting Law, ang batas patungkol sa modernisasyon ng pagbibigay ng sahod at benepisyo para sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminsitration at ang pagpapalakas ng edukasyon para sa  mga doktor. Ipinasa rin ng Kongreso ang Philippine Cooperative Code of 2008 na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga dayuhang bangko na suportahan ang mga kooperatiba upang magampanan ang mga proyekto sa rural areas. Sa kabilang banda naman, sa Mataas na Kapulungan, nasa ikatlo at huling pagbabasa na ang Senate Bill 3125 na nagnanais na mapalakas ang career executive service sa pamahalaan at maging ligtas ito sa pangingialam mismo ng mga pulitiko. (Philippine Star)