Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Cash benefits para sa hudikatura

Napabalita ang pag-aaklas ng mga kawani ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa nauudlot na pagbibigay ng pamahalaan sa kani-kanilang mga benepisyo. Dahil dito, inaprubahan ni Chief Justice Maria Lourdes Serenom sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 29-2012 ang pagbibigay ng cash benefits sa lahat ng mahistrado, hukom, court officials at kawani sa buong bansa upang malampasan ang kahirapang nararanasan, itaas ang kanilang dangal at palakasin ang kanilang kasigasigan sa trabaho. Makakatanggap ng Php 15,000 ang mga mahistrado, opisyal, kawani at mga nagtatrabaho sa Presidential Electoral Tribunal, Php 10,000 naman sa mga nagtatrabaho sa Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals at Php 7,000 naman sa mga nagtatrabaho sa mga trial courts at Halls of Justices. Ang mga grants na ito ay matatanggap lamang ng mga empleyadong naging parte na ng hudikatura sa loob ng apat na buwan. (Manila Bulletin)