Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Walang overpricing sa presyuhan ng langis

Sa limang buwang pag-aaral ng Independent Oil Price Review Committee ng Department of Energy na pinamumunuan ni UP Professor Benjamin Diokno, walang overpricing na nagaganap sa presyuhan ng langis sa loob ng bansa. Kung ikukumpara sa ibang bansa, mas mahal pa ang presyo ng langis sa Indonesia at Thailand. Dahil sa mga resultang ito, napatunayan na umiiral ang oil deregulation law sa bansa at ang taas-babang presyo ng langis ay dahil sa pakikipagsabayan ng bansa sa pandaigdigang presyo. (Abante)