Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Kasambahay Bill’, raratipikihan na

Sa ikatlo at huling pagbabasa ng panukala ukol sa mga kasambahay, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang pagdagdag ng mga benepisyo para sa kanila. Ang panukalang ito ay isinatitik ng 51 kongresista kasama si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung saan itinakda ang Php 3,500 na minimum wage kada buwan sa mga kasambahay sa National Capital Region (NCR), Php 3,000 sa mga nagtatrabaho sa first-class municipalities at Php 2,000 naman sa second-class. Kasama din sa panukala ang 13th month pay kung sakaling may Social Security System, Philhealth Insurance at Pag-ibig Fund coverage ang kasambahay. (Sun Star)