Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Walang kuryente dahil sa bagyong Gener

Sa kasagsagan ng bagyong Gener, mahigit-kumulang na 114,000 Meralco customers ang nanatiling walang kuryente sa kani-kanilang mga lugar bunsod ng hagupit ng nasabing bagyo. Karamihan sa nasirang circuits ay natamaan ng mga nahulog na sanga ng mga puno at nilipad na mga tarpaulins sa mga poste ng kuryente. Sinigurado naman ng Meralco na ang mga engineers nito ay nasa field upang ayusin ang mga linya para manumbalik muli ang kuryente sa mga apektadong customers sa pinakamadaling panahon. (SunStar)