Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Chris Tiu, ibabahagi ang kaalaman sa basketball

“1-on-1 Tiu-torials” ang pamagat ng bagong palabas ni Chris Tiu, dating manlalaro ng Ateneo Blue Eagles at ngayon ay kapitan ng Smart Gilas Men’s National Team, na magpapakita ng kanilang hilig sa larong basketball. Layunin ni Tiu na himukin ang mga kabataan na mabuhay na may malusog na pangangatawan at maging aktibo sa sports. Aabangan sa kanyang palabas ang kanyang pagtuturo sa basics ng basketball, ang kahalagahan ng sportsmanship at mga kakayahan na kinakailangan sa laro. Mag-iikot-ikot si Tiu sa mga bayan-bayan upang ituro ang basketball; sa unang episode nito, nagpunta siya sa Cavite at inituro ang laro sa mga elementary at high school students at ito ay ipapalabas sa AKTV sa IBC at Hyper, sports channel ng Sports5. (SunStar)