Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Waknatoy

Waknatoy o “Marikina Menudo” ay isang klase ng menudo na may karagdagang sangkap na pickles at Vienna sausage.

Sangkap:
  • 700g liempo (pork belly), hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 300g Vienna sausage, hiwain ng maliliit (bite size)
  • 5 pirasong buong pickles, hiwain ng maliliit (bite size)
  • 1 malaking patatas, hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 1 malaking carrot, hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 1 bell pepper (green capsicum), hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 1 bell pepper (red capsicum), hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas na pula, hiwaing maliliit
  • 2 tasang chicken stock
  • ½ tasang tomato paste
  • ¼ tasang pickle juice
  • 3 malaking kamatis, hiwaing maliliit
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 2 pirasong bay leaves (laurel)
  • 1 kutsaritang dahon ng basil
  • paminta
  • patis
  • mantika
Paraan:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas sa kaserola o kawali.
  2. Ihalo sa gisa ang liempo hanggang magkulay brown.
  3. Ilagay ang chicken stock at bay leaves. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
  4. Idagdag ang patatas, carrots, bell pepper (pula at berde) , kamatis, basil, pickle juice at tomato paste. Pakuluin sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 15 minuto.
  5. Ilagay ang Vienna sausage at pickles at hayaang kumulo sa karagdagang 10 minuto.
  6. Lasahan ng patis at paminta
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/