Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pamplina

Ayon sa iba, kapareho ng callos ang pamplina na ang pagkakaiba ay walang sangkap na tripe (tuwalya ng baka). At ayon din sa ibang panig, ang karne nito ay mula sa left over meats mula sa nilaga o pochero dahil sa malasa at masarap.

Sangkap:
  • 1.5 kg pata, hiwain
  • 300 g white beans, ibabad magdamag sa tubig
  • 3-4 pirasong Chorizo, hiwain
  • 3 pirasong patatas, hiwaing pakuwadrado
  • 1 maliit na repolyo, hiwaing pahaba
  • 2 pirasong bay leaves (laurel)
  • 2 puting sibuyas, tadtarin
  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 pirasong kamatis, hiwain
  • patis
  • paminta
  • olive oil
Paraan:
  1. Pakuluin ang tubig sa kaserola at ilagay ang pata. Hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto at patayin ang apoy. Alisin ang tubig at hugasan maigi ang pinakuluang pata.
  2. Sa isa pang malinis na kaserola, lagyan ng olive oil at igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Idagdag ang kamatis at iluto sa loob ng 2 minuto.
  4. Idagdag ang white beans at laurel at maglagay ng tamang dami ng tubig para nakalubog ang pata. Pakuluin at hayaang kumulo sa mababang apoy sa loob ng 1 oras.
  5. Maglagay ng kaunting dami ng olive sa isa pang malinis na kserola at iprito ang chorizo, kapag mabango na ang amoy at ilipat ito sa pinakukuluang pata kasama ang mantika nito.
  6. Idagdag ang patatas at lasahan ng patis at paminta at ituloy ang pagpapakulo sa mababang apoy sa loob ng 40 minuto.
  7. Idagdag ang repolyo at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 5 minuto. Patayin ang apoy at ihain kasama ng mainit na kanin.
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/