Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

WAGAS NA PAGMAMAHAL NG INA SA ‘THE GREATEST LOVE’

Hinangaan at kinapulutan ng aral ng mga manonood ang kuwento ng buhay ni Gloria (Sylvia Sanchez) sa “The Greatest Love” na nagpakita ng wagas na pagmamahal para sa mga anak at pagsasakripisyo upang mapanitiling buo ang kanyang pamilya. Naging simbolo ang kanyang karakter ng katatagan at pinatunayang hindi mapapantayan ng kahit ano man ang pagmamahal ng isang ina. Lubos ang pagpapasalamat ni Sylvia sa pagtangkilik ng mga manonood hanggang sa pagtatapos nito.

“Hindi ko malilimutan ang pinaramdam sa aking pagmamahal at respeto bilang tao at artista ng mga manonood,” aniya.

“Malungkot ako dahil maghihiwa-hiwalay na kami. Pero masaya rin ako kasi matatapos ang teleserye nang maganda at gusto ng lahat,” dagdag pa niya.

Tinututukan tuwing hapon ng mga manonood ang mga madadamdaming eksena ng “The Greatest Love,” kaya naman patuloy itong nangunguna sa national TV ratings. Nagkamit na nga ang serye ng all-time high national TV rating na 20.4%. Araw-araw rin itong trending topic sa social media at umaani ng libu-libong tweets mula sa netizens.