Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

LEA, SARAH, BAMBOO, SHARON SA ‘THE VOICE TEENS’

Matapos marinig ang boses ng adult at kiddie artists, pagkakataon naman ng teens na bumida at ipaglaban ang kanilang pangarap sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Asya sa top-rating singing reality show na “The Voice.” Makakasama ng talented artists na edad 13 hanggang 17 sa once-in-a-lifetime musical journey na ito ang apat na superstar coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Sharon Cuneta.

Nagsimula na nga ang blind auditions ng unang edisyon ng “The Voice Teens” kung saan sinasala ang teen artists na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Ito ang unang yugto ng kumpetisyon na kailangan nilang maipasa at makapasok sa team ng coach na iikot para sa kanila. Gaya sa nakaraang seasons, naghanda raw ang coaches ng kani-kanilang pakulo para makuha ang artists na pag-aagawan nila. Panoorin ang “The Voice Teens” sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *