Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Vic Sotto at Maricel, Maine at Coco?

Marami ang nagtatanong kung totoo nga ba ang kumakalat na balita na may pelikulang gagawin sina Vic Sotto at Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival 2018? Makakasama din daw sa nasabing pelikula na ito si Maine Mendoza? Yup, pinag-uusapan na diumano ang nasabing plano at malaki ang chance na matuloy ito.

Nilalayon diumano ng producers na gawin ang malaking pelikula na ito upang maging mas challenging ang darating na Metro Manila Film Festival 2018.

Wala pang concept ang pina-plano nina Vic and Coco with Maine. Sinasabi ring papasok sa pelikula either si Maricel Soriano or AiAi delas Alas.

Abangan kung matutuloy ito dahil kung walang magiging sagabal kung saka-sakali dahil wala namang movie contract sina bossing Vic at Maine sa GMA 7. Iisa na ang kanilang management team, ang Triple A at M-Zet Productions at ang sariling produksiyon ni Coco Martin at ang Star Cinema, mukhang makakadiretso sila.

Kabahan na kaya rito si Vice? O katulad sa nauna niyang pahayag, wala siyang nararamdamang nerbyos sa tambalang Vic-Coco.