Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Vhong, JC, at Ogie, solid na Kapamilya pa rin

Patuloy na maghahatid ng saya bilang Kapamilya stars sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at JC de Vera pagkatapos nila pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na “#GoodJob: The Showtime Kapamilya Contract Signing 2022” nitong Marso 23 (Miyerkules).

Nagpapasalamat si Vhong sa tiwala at suportang ibinibigay ng ABS-CBN sa kanyang showbiz career at umaasang makasama muli ang madlang people bilang isa sa mga host ng “It’s Showtime.”

Hindi nila ako pinabayaan. Sabi ko nga, hindi ako bibitaw hangga’t pinagkakatiwalaan ako ng ating mga boss,” ani Vhong. “Excited ako kapag may madlang people nang magbabalik. Kulang kasi kapag napapanood lang tayo sa TV, dapat mapanood tayo ng live. At gagawin ‘yun ng ABS-CBN dahil gusto natin pasiyahin sila. Soon mangyayari iyon.”

Nagpasalamat si JC sa ABS-CBN para sa iba’t ibang proyektong ipinagkatiwala sa kanya na naghasa sa kanya bilang aktor.
Maraming salamat for trusting me,” he said. “Natawag ko ‘yung sarili ko na ‘versatile actor’ kasi nga lahat ng challenges na ibinabato sa akin, talagang sinusubukan kong gawin and until now I am still learning,” ani JC na siyam na taon nang Kapamilya.

Si Ogie Alcasid naman ay patuloy na maghahatid ng saya sa mga manonood ng “ASAP Natin ‘To” at “It’s Showtime.”
I’m so honored that at this juncture of my career, I was given a chance again to do what I love to do and that is to sing every Sunday, to perform every Sunday, to make people laugh every single day. That gives me so much joy,” ani Ogie. “This is where I started. And so I am just coming back home and I’m happy and blessed that I am home and I’m here to stay.”

Kasama sa contract signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN entertainment production atStar Magic head Laurenti Dyogi, at ABS-CBN group chief financial officer Rick Tan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *