Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinikpikan

Sangkap:

· 1 whole free-range chicken o native na chicken

· 200 g speck, etag o kahit na anong fatty cured smoked pork

· 1 malaking bungkos ng bok choy o shanghai

· 2 sayote, hiwain

· 2 tangkay ng celery, hiwain

· 1 pulgadang habang ng luya, hiwaing manipis

· 2 sibuyas na pula, tadtarin

· 4 pirasong bawang, pitpitin

· 1/2 tasang tapuy o rice wine

· tubig, kung kailangan

· mantika

Paraan:

1. Ihanda ang charcoal grill na may takip o hood, sindihan ang side na ginagamitan ng charcoal at hindi ang buong grilling area.

2. Hatiin ang chicken sa kalahati at asinan. Ilagay sa hooded grill ang chicken na patagilid sa hooded grill na hindi mainit. Takpan at hayaan mausukan sa loob ng 15 minuto. Buksan ang hood at ibalik ang chicken hanggan maluto. Alisin ang chicken mula sa grill at itabi.

3. Kapag lumamig na ang chicken, hiwain ito sa ilang piraso.

4. Sa kaserola. maglagay ng mantika at igisa ang celery, luya, sibuyas at bawang.

5. Ilagay ang piraso ng chicken, rice wine at etag (o kahit na fatty cured smoked pork , maglagay ng tubig para matakpan ang chicken. Pakuluin at hayaang kumulo sa katamtaman init ng apoy sa loob ng 30 minuto o hanggang ang chicken ay lumambot.

6. Idagdag ang sayote at pakuluin sa loob ng karagdagang 8 minuto.

7. Idagdag ang bok choy at pakuluan sa karagdagang 2 minuto.

8. Lasahan ng asin atsaka ihain.

Photo and recipe credits www.angsarap.net