Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Vegetable Moussaka

Sangkap:

Moussaka

  • 1 malaking eggplant, hiwain ng manipis
  • 2 katamtamang laki ng zucchini, hiwaing manipis
  • 2 patatas, hiwaing manipis
  • 1 tasang lentils, lutuin at itabi
  • ½ tasang vegetable stock
  • 1 kutsaritang asukal
  • 1 tasang feta cheese, durugin
  • 1 sibuyas, hiwain
  • 3 pirasong bawang, tadtarin
  • 1 kutsarang red wine vinegar
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 2 kutsarang tinadtad na dahon ng parsley
  • 400 g tinadtad na kamatis
  • paminta
  • asin
  • olive oil

Béchamel

  • 1½ kutsarang butter
  • 2 tasang milk
  • ½ kutsaritang pinong nutmeg
  • 2 egg yolks, batihin
  • ¼ tasang grated Parmesan cheese
  • paminta
Paraan:
  1. Lagyan ng asin ang talong (eggplant) at itabi sa loob ng 30 minuto para masipsip ang ekstrang tubig mula sa asin. Hugasan mula sa tubig gripo at tuyin ang talong gamit ang paper towel.
  2. Sa kawali, lagyan ng mantika at painitin at lutuin ang talong, zucchini at patatas hanggang medyo lumambot. Ang talong at zucchini ay 3 minuto ang bawat sides samantalang ang patatas at 4-5 minuto. Hanguin ang nalutong gulay at ilagay sa paper towel para matanggal ang sobrang mantika mula sa gulay.
  3. Gamit ang parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas hanggang ang mga ito ay lumambot. Ihalo ang red wine vinegar, chopped tomatoes, lentils, vegetable stock, oregano, parsley at asukal. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15-minuto o hanggang ang sauce ay lumapot.
  4. Sa 13 x 9 inch na baking dish ihanay ang 1/3 ng nalutong talong, 1/3 ng zucchini, ½ ng patatas, at ibuhos ang 1/3 ngtomato mixture at ½ ng feta. Ulitin ang ganitong proseso ng paghahanay ng dalawa pang beses hanggang maubos na ang feta sa pinakahuling hanay.
  5. Ilagay sa 190C na preheated na oven at i- bake na may takip sa loob ng 25 minuto.
  6. Sa saucepan, ilagay ang butter at tunawin at magbudbod ng harina. Iluto hanggang maghalo ang sangkap at mamuo at saka ihalo ang gatas ng unti-unti habang hinahalo. Haluin hanggang ang sauce ay lumapot at maalis ang buo-buong harina at lasahan ng paminta at nutmeg. Alisin sa apoy at hayaang lumamig ng kaunti at saka ihalo ang binating egg yolk.
  7. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng moussaka at budburan ito ng parmesan cheese. Ibalik sa oven na walang takip at i-bake ulit sa loob ng karagdagang 30 minuto hanggang ang ibabaw ay magkulay golden brown.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net