Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

UTAWIT HIMIG NG PINOY AT HAPON: GRAND FINALS 2015

Kamakailan ay ginanap sa Akasaka Kumin Center ang grand finals ng Utawit Himig ng Pinoy at Hapon 2015.
Nagbukas ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang awit na inihandog nina Mr. Jo Palima at Ms. Glenda Tabata at sinundan ng isang awiting handog naman ng 2014 Utawit Grand Champion na si Ms. Cristina Yasuda.
Ipinakilala ang board of Judges sa pangunguna ni Mr. Arnel D. Castillo (Utawit 2007 Grand Champion), Ms. Cristina Kanakubo (Utawit 2005 Grand Champion), Ms. Maiko Nakamura (Major debut singer 2011), Maestro Hisayuki Yoshioka (, Professional Pianist, Music Teacher) Ms. Maria Eva Yokoyama (A Multi-Awarded Veteran Jazz Singer in the Jazz World), Minister & Consul-General Marian Jocelyn R. Tirol Ignacio (Minister and Consul General Embassy of The Republic of the Philippines), Madam Rosalie Asuque (Wife of the Deputy Chief of Mission, Philippine Embassy) Chairman of the Board of Judges Madam Kaoru Kanetaka (Chairman, Minato International Association)
Si Ms. Irene Kaneko, (National Executive Committee Chairman at Administrative/Jeepney Press Publisher), ang nagbigay pugay sa mga manonood at panauhing pandangal mula sa Embahada ng Pilipinas na sina Minister at Consul-General Marian Jocelyn R. Tirol- Ignacio at ang Kagalang-galang na Embahador ng Pilipinas na si Ambassador Manuel M. Lopez na nagbigay din mensahe para sa lahat.
Ang huling parte ng programa, ang pagpapahayag ng mga nagwagi  sa  naturang event.  Narito ang mga kalahok ng Utawit 2015 ayon sa pagkakasunod sa kabuuang result:
1.            Rodolfo Arellano Jr. (Saitama) – Tayong Dalawa by: Gary V.
2.            Wensisa Llamas Yamazaki (Iwate) – For You by: Takahashi Mariko
3.            Sanae Ishikawa (Tokyo) – Hanamizuki by: Hitoto Yo
4.            Christian Alvin Soriano (Okayama) – Hanggang by: Wency Cornejo
5.            Josephine Basista Higashi (Fukuoka) – Paano by: Dulce
6.            Gina Mampusti Sasaki (Shizuoka) – Ikaw by: Regine Velasquez
7.            Jasmin Vasquez (Nagano) – Lipad ng Pangarap by: Dessa
8.            Cherryl Lasacar Esmeralda (Kyoto) – Ako ang Nagwagi by: Dulce
9.            Donna Kishimoto (Kagawa) – Tunay Na Mahal by: Lani Misalucha
10.         Mika Isoyama (Sendai) – Hawak Kamay by: Yeng Constantino
11.         Rachelle Anne Watanabe (Nagoya) – Patuloy ang Pangarap by: Angeline Quinto
1st winner
2nd winner
3rd placer
Taos pusong pagbati mula sa Philippine Digest magazine ang ipinaabot sa lahat ng mga kalahok na sumali at sa tatlong nagwagi  sa Utawit Grand Finals 2015 at higit sa lahat, isang pagbati kay Mr. Rodolfo Arellano Jr., ang bagong kampyon ng Utawit Grand Finals 2015 at kay Ms. Marichu Ihara –Pangulo ng  PDRC para  sa suporta sa Saitama R.Q.R.
RUFO & PDRC