Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Philippine Festival 2015

Taon taon ang Philippine Embassy at Filipino Community leader dito sa Japan ay nag o-orgazine ng Philippine Festival, noong nakaraan Septiyembre 19-20 na ginanap sa Yoyogi Park. Ang Philippine Festival 2015 ay ginawa para ipakilala ang Kulturang Pilipino, ang mabuting pakikitungo at Pilipino entertainment.

Ang nag bukas ng seremonya ay sina Ambassador Manuel Lopez, Representative Manny “Pacman” Paquiao, kagalang galang Nobuteru Ishihara, Miyembro ng House of Representatives at Vice Chairman ng Japan-Pilipinas Parliamentarians Friendship League at kagalang galang Takashi Uto, Parliamentary Vice Minister. At guest appearances nina Ms. Jolina Magdangal, Mr. Marvin Agustin at OPM na mang-aawit na si Mr. Rey Valera.

May higit na 200,000 mga Pinoy at Hapon ang masayang nag selebrasyon sa iba’t ibang pakulo ng bawat booth, mayroong isang daan booth ang kumatawan sa kulturang Pilipino sa pangunguna ng pagkain pinoy at nadiyan rin ang pa-raffle ng Western Union at Seven Bank sa kanila booth, ang soveneir photo ng JRF Remittance at ng I-Nextia, pag bibigay ng giveaways ng Metro Bank, BPI Bank, Astoria at marami pang iba.

Mayroon isang daang mga booth ang kumakatawan sa kultura ng Pilipinas. Nangunguna sa listahan ng mga atraksyon para sa mga bisita, ay ang Philippine culinary delights tulad ng adobo, Bagnet, lechon Kawali, chicken Inasal, Sisig, at Filipino desserts tulad ng puto, kutsinta, at halo-halo.