Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Unang halikan nina Kathryn at Daniel, pinakilig ang netizens

Magkaparehas na kilig at pighati ang naramdaman ng viewers nitong Huwebes (Hulyo 14) sa”2 Good 2 Be True”nang nawala na parang bula si Eloy (Daniel Padilla) at iniwanan si Ali (Kathryn Bernardo) matapos niya itong halikan dahil kinailangan na niyang takasan ang mga pulis na naghahanap sa kanya.

Todo kilig ang netizens sa halikan nina Kathryn at Daniel, kaya naman naging trending sa Twitter ang episode. Muling nanguna ang serye saTop 10 list ng TV series at movies sa Netflix Philippines at sa Top 10 shows ng iWantTFC.Hinihiling nga ng fans na ibagsak na ang bagong episodes dahil nabibitin sila sa kilig gabi-gabi.

Paganda rin ng paganda ang kuwento.Tinutugis na nga ng pulis si Eloy matapos lumabas ang warrant of arrest nito tungkol sa pagnanakaw niya ng pera kay Tara (Jenny Miller). Minadali nga ni Helena (Gloria Diaz) ang kaso ng binata nang nalaman niyang nakapasok ito sa buhay ng kuya niyang si Hugo (Ronaldo Valdez).

Nalaman na rin ng viewers na si Helena pala ang dahilan kung bakit nakulong ang ama ni Eloy na si Fred (Romnick Sarmenta). Ngunit palaisipan pa rin sa mga ito kung bakit tila mainit ang dugo niya kay Fred at Eloy.

Sa kabilang banda, tila naguguluhan si Ali sa ginawang pagtakas ni Eloy. Iniisip tuloy niya kung totoo ba ang ipinakita nito sa kanyang kabaitan o pawang kasinungalingan pala.

Dapat ngang abangan ng manonood kung paano kaya malulusutan ni Eloy ang kaso. Matulungan kaya siya ni Lolo Hugo? Maniwala pa kaya sa kanya si Ali? Magtagumpay kaya si Helena sa pagpapakulong sa binata?

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng “2 Good 2 Be True” sa Netflix at iWantTFC. Maaari rin subaybayan ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40PM saKapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.