Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Ginataang Okra

Sangkap:

  • 400 g pork jowl o pisngi ng baboy, hiwain
  • 400 g sariwang okra
  • 400 ml coconut milk
  • 1 tasang tubig
  • 1 kutsarang bagoong (shrimp paste)
  • 6 pirasong bawang, hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • paminta
  • 5 pirasing siling haba, tadtarin
  • 4 pirasong siling labuyo, pang-garnish sa ibabaw
  • asin
  • Mantika

Paraan:

  1. Hilamusan ng asin at paminta ang pisngi ng baboy.
  2. Lagyan ng mantika ang kawali at ilagay ang baboy at lutuin hanggang magkulay ang kabuuan.
  3. Ilagay sa gilid ng kawali ang baboy at saka ilagay ang bawang at sibuyas at gisahin ito.
  4. Maglagay ng isang tasang tubig at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto sa katamtamang init ng apoy.
  5. Ilagay ang coconut milk, bagoong, siling haba at okra. Pakuluin at haluin at hinaan ang apoy. Takpan ang kawali at lutuin sa loob ng 8 minuto.
  6. Lasahan ng paminta at asin kung kinakailangan at budburan ng siling labuyo sa ibabaw at ihain.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net