Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Ukrainians, tatanggapin sa Pilipinas

Ang kasalukuyang nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hindi maia-alis na mag-alala ang lahat ng karatig bansa na madamay.  Halos lahat ng bansa sa buong mundo ay kinokondena ang ginawa ng Russia kaya nagpataw ang malalaking bansa tulad ng UK, European Union at Estados Unidos ng mabigat na sanction laban sa Russia.

Samantala, inaalala rin ang kalagayan ng mga Ukrainians at mga Pilipinong manggagawa na na-trap sa bansa kaya naman ang Poland ay nagbukas ng kanilang border para sa gusting lumikas.

Ganun din ang ipinahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na bukas ang Pilipinas sa mga Ukrainians na gustong humingi ng Asylum. Aniya, ang maga-apply para sa refugee status ay kailangang sumailalim sa evaluation na alinsunod sa batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte na Executive Order 163.