Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Tom Rodriguez: The Other Important Star

Marami ang natutuwa sa takbo ng career ni Tom Rodriguez dahil alam nilang stable ang standing nito sa Showbiz. Kumbaga, laging nandiyan at hindi nawawala sa limelight. Habang nagsisimula siya sa mundo ng showbusiness, ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na lumabas sa stage.
Sabi nga ng iba, karamihan sa mahuhusay na aktor at aktres ay nagsisimula sa stage dahil dito mo maipapakita ang husay ng iyong pag-arte sa harap ng live audience. Naranasan rin ni Tom ang mag-appear sa stage sa pamamagitan ng Aladdin kung saan siya ang lumabas na pangunahing aktor.

Nagsimula si Tom bilang isa sa housemates sa Pinoy Big Brother: Double Up ng ABS CBN. Hindi man pinalad na manalo ay hindi pa rin siya pinanghinaan ng loob at itinuloy niya ang pangarap na maging aktor. Pagkatapos ng kanyang stint sa Pinoy Big Brother ay nabigyan siya ng pagkakataon upang mag-guest sa ilang drama shows ng ABS CBN kasama ang kanyang mga kapwa Pinoy Big Brother housemates. Bukod sa telebisyon ay nagkaroon rin siya ng pagkakataon na mag-appear sa pelikula at sumali rin siya sa isang male-singing group na VoizBoys. In between tv guestings ay gumawa rin ng pelikula si Tom. Ang isang pelikulang nagbigay-daan kay Tom Rodriguez para mas makilala sa showbiz ay sa pamamagitan ng remake ng Temptation Island kung saan katambal niya si Marian Rivera. Ang huling tv series na sinamahan ni Tom sa ABS CBN ay ang Be Careful With My Heart at saka lumipat siya sa GMA Network.

Hindi nagtagal ay binigyan agad si Tom ng isang importanteng papel na ni sa hinagap ay hindi niya akalain na magiging daan para maging bukambibig ang pangalang Tom Rodriguez. Isang mapaghamong papel na nagpaningning ng kanyang estrelya at naglagay sa kanya sa mas solidong posisyon sa showbiz. Ang “My Husband’s Lover” kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Carla Abellana. Isang love triangle na tinanggap ng mga kritiko at manonood sa telebisyon.

Ang My Husband’s Lover ay pang mature audience kung saan ang magka-triangle ay dalawang gay at isang babae. Humataw sa ratings ang naturang drama series kung saan sumikat ng husto ang tambalang TomDen at kahit saan sila magpunta ay pinagkakaguluhan sila. At simula noon ay nakatatak na ang pangalang Tom Rodriguez sa puso ng Gay community at ang TV viewers.

Pagkatapos ng My Husband’s Lover ay nag sunud-sunod na rin ang mga proyektong ibinigay sa kanya ng pamunuan ng GMA Artists Center, naging isa siya sa importanteng star sa GMA 7 dahil versatile si Tom. Kahit anong ibigay na role sa kanya ay kanyang ginagampanan ng buong husay.

Marami pang naging offers kay Tom na gumanap ng iba’t ibang klase ng roles at hindi naman sila nabigo kay Tom mahusay sa kanyang craft si Tom. Maging bida o kontrabida ay kaya niyang ipasa with flying colors. Natatak din sa manonood nang gampanan niya ang papel na Sergio sa Mexican telenovela adaptation na Marimar katambal si Megan Young.

Sa ngayon ay maituturing na isa sa bankable stars si Tom sa bakuran ng GMA Network. Kapag may mabibigat na proyekto ay hindi mawawala sa listahan ng pagpipiliang aktor na gumanap ng importanteng role si Tom. Abut-abot naman ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng GMA 7 dahil hindi siya nito pinababayaan.

Alam ni Tom na sa mundong kanyang ginagalawan ay hindi pwedeng iisang klase ng role lang ang gagampanan. Kailangan nandun ang versatility. Marami nga ang nagtatanong kung bakit tumatanggap pa rin siya ng support roles gayong naging lead star na siya sa ilang television series na kanyang kasamahan.

In-assure ni Tom ang kanyang fans na hindi nakakababa ng kalagayan niya ngayon sa showbiz ang pagtanggap paminsa-minsan ng supporting at kontrabida roles dahil dito mo maipapakita na kaya mong gampanan ang kahit na anong klaseng papel na ibigay sa iyo ng management.

Naging hit din sa audience ang Love of My Life kung saan katambal niya ang kanyang reel-real life girlfriend na si Carla Abellana. Ang kasalukuyang teleseryeng kanyang sinamahan ay ang The World Between Us kung saan kasama niya si Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at ang mga batikang artistang sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

Sa TV series na ito ay kontrabida ang role ni Tom at masaya siya dahil inalalayan din siya ng kanyang co-stars na sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose. Aniya, ninerbiyos siya kapag nakaka-eksena niya ang dalawa at nagmumukha siyang baguhan kapag ka-eksena niya ang mga ito.
Pero grateful siya dahil suportado nina Dina at Jaclyn ang lahat ng kasama nila sa naturang teleserye at todo alalay ang mga ito sa kanila.

Natutuwa rin ang marami dahil kamakailan ay nag-propose na rin si Tom sa kanyang long-time girlfriend si Carla Abellana. Malayo na rin ang tinahak ng kanilang relasyon at nagpapasalamat sila dahil naging supportive ang lahat ng malalapit sa kanila, ang kanilang mga pamilya at ang kanilang mga tagahanga. Sa Oktubre 23, 2021 ang napiling petsa nina Tom at Carla sa kanila kanilang kasal pero bago yun ay tatapusin muna nila ang kani-kanilang assignment sa GMA 7, si Carla ang lock in taping sa To Have and To Hold at kay Tom naman ang The World Between Us. Sabi nga nila, konting tiis lang at magkikita rin sila bago ikasal para sa preparations nila sa kanilang wedding.

Grateful din si Tom sa GMA Network sa buhos suportang ibinigay sa kanya mula noon hanggang ngayon kaya kinokonsidera siyang isa sa important star ng GMA 7 at sa kanyang fiancee (Carla Abellana) na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para mapabuti pa ang kanyang katayuan bilang isang mahusay na aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *