Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sopas Misua

Ang Sopas Misua ay isang klase ng lutuin kung saan pinagsama ang dalawang lutuing Pinoy, ang sopas at misua. Ito ay gawa sa mga sangkap ng misua tulad ng misua noodles at gulay pero ang broth nito ay sangkap ng sopas.

Sangkap:


60g misua/flour vermicelli (3 bungkos)
1/2 tasang pork belly, hiwaing pakuwadrado
1 tasang tinadtad na repolyo
100g sugar snap peas, alisin ang hibla sa gilid
4 pirasong bawang, pitpitin at tadtarin
1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
6 tasang chicken broth
200 ml evaporated milk
paminta
patis
mantika

Paraan:


1. Igisa ang bawang at sibuyas sa isang kaserola o pot.
2. Ilagay ang pork belly at iprito hanggang mag kulay brown at lumutong.
3. Ilagay ang chicken broth at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
4. Habang kumukulo ay ilagay ang misua, repolyo, sugar snap peas at evaporated milk at hayaang kumulo pa sa karagdagang 3 minuto sa mahinang apoy.
5. Lasahan ng patis at paminta at saka ihain habang mainit.

Recipe credit: www.angsarap.net