Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Tokyo Olympic Volunteers Quit

Nagkaroon ng pag-aalala ang organizers dahil sa uncertainty ng nangyayari sa paligid sa panahon ng pandemic at ang kasalukuyan ay may mga nagku-quit pa rin na volunteers (as of this writing ay umabot na sa 10,000 volunteers out of 80,000) dahil sa pangambang dulot ng Covid-19. Sa nalalapit na pagbubukas ng Tokyo Olympics ay confident pa rin ang mga organizers na magiging maayos ang lahat na ayon sa kanilang inilatag na health safety protocols. Ayon sa Chief executive ng Organizing Committee na si Toshiro Muto, aminado siyang ang volunteers ay isa sa mga instrumental part ng Summer Olympics.

Ang volunteers na ito ang tumutulong sa pag-ooperate ng Olympic facilities at venues, pag a-assist sa spectators at mga atleta at kung patuloy ang pagku-quit ng mga ito ay mahihirapan ang organizers. Bukod sa volunteers, bago pa mag-umpisa ang olympic games ay marami nang mga Japanese nationals ang opposed sa pagpapatuloy ng prestihiyosong palaro na ito dahil sa pag-aalalang patuloy na pagtaas na case ng covid virus. Ang inaasahan nilang rollout ng vaccines ay may kabagalan kung kaya’t patuloy pa rin ang pananalasa ng covid virus sa iba’t ibang lugar sa Japan.

Sa kasalukyan ay ang medical professionals at elders pa lamang ang kanilang nababakunahan. Nagkaroon din ng bottleneck sa kung sino ang pwedeng mag-administer ng bakuna, ang mga nurses, doctors at dentists lamang ang pwedeng mag-administer ng bakuna legally.

Desidido man ang organizers ng Olympics sa Japan ay may concern pa rin ang ilang grupo ng United States public health experts na ang pagpapatuloy ng naturang Olympics ay baka maging super spreader at malagay lamang sa peligro ang mga atleta at lahat ng participants sa Tokyo Summer Olympics.

Paalala rin nila bukod sa health safety protocols ay pag tingin rin nila ang pag-iingat lalo na ang temperature screening.

Bukod sa health experts ay may business leaders rin na concern sa pagbubukas ng event para sa safety ng lahat ng taong involve. Nagbigay rin ng babala ang Amerika sa kanilang mga citizen na umiwas na magbiyahe papunta sa Japan dahil na pataas ng covid-19 infection rates.

Ayon sa organizers ng Tokyo Olympics, ang event na ito ay na i-postpone na noong taong 2020 dahil sa pandemic kaya mahirap na uling i-postpone ito sa pangalawang pagkakataon dahil sa usaping pinansiyal. Lahat ng stadiums diumano ay naka-book na at ready na para sa pagbubukas ng event at malaking halaga ang involved kaya hindi na nila ipo-postpone pa ang Tokyo Summer Olympics.

Well, Let’s just hope na ang Tokyo Summer Olympics ay maging successful, despite of oppositions mula sa iba’t ibang sektor ng sosyedad at maging sa ilang health experts. Ipagdasal natin na maging safe ang lahat ng atleta at participants at maging successful ang pagbubukas at pagsasara ng Tokyo Summer Olympics 2020.

Abangan pa rin ang kung anumang updates sa iba’t ibang sangay ng ahensiya ng gobyerno at Olympic Committee para sa karagdagang impormasyon ukol sa Tokyo Olympics. Ibayong pag-iingat ang ating i-observe para makaiwas sa covid-19.