Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Mga Preparasyon sa Tokyo Olympics 2021 at Safety Measures sa panahon ng Pandemic

Marami pa rin ang nagtatanong kung magtu-tuloy-tuloy ba ang Tokyo Olympics 2021. Sa aminin ng lahat o hindi, ang Olympics ay isa sa pinakahihintay ng mga tao sa buong mundo. Ito ay ang pagsasama-sama at pagpapaligsahan sa iba’t isang sports ng mga atleta sa buong mundo. Dito mo makikita ang magagandang relasyon ng bawat bansa lalo na yung mga participant. Ang kooperasyon, camaraderie at mga nabubuong pagkakaibigan ng bawat atleta mula sa iba’t ibang bansa ang nasasaksihan ng buong mundo.

Bago pa nanalasa ang Covid-19 ay may naka-plano na ang organizers ng Olympics 2021 kung ano ang gagawin sa naturang event hanggang sa dumating ang kalaban ng buong mundo, COVID-19, at lahat ay natigil. Kailangan gumawa ng pagbabago sa mga naka-plano nang events at isa na rito ay ang Olympics 2021.

Naging maingat ang orgaziners sa pagpapatuloy ng malaki at prestihiyosong event na ito na masasaksihan ng buong mundo. At malaking bahagi ng kanilang pagbabago ng preparasyon ay ang pag-iingat sa COVID-19. Anu-ano nga ba ang safety measures na inilatag ng mga organizers?

Ayon sa kanila, magpapatuloy ang Tokyo Olympics 2021 kung masusunod ang lahat ng health protocols para na rin sa kaligtasan ng lahat ng taong involved dito. Isang COVID-19 playbook para sa events na nailatag ng iba’t ibang parties;

The International Olympic Committee (IOC)
The International Paralympic Committee (IPC)
The Tokyo Organizing Committee of the Olympic and Paralympic Games (Tokyo 2020)
The Tokyo Metropolitan Government
The Government of Japan
The Playbook of rules for the Tokyo Olympics (na i-update na ito pero more likely, magkakaroon ulit ng revision anytime na kailangan nilang i-update ang rules.

  • Siguradong maraming gustong manood ng bawat event kung saan idadaraos ang Summer Olympics pero nagbigay sila ng limitasyon at habang isinusulat ang artikulong ito ay nagbigay na ng announcement para sa kapasidad ng spectators na tatanggapin.
  • Kasama rin sa safety measure ang pagte-test ng bawat atheletes at iba pang participants ng nasabing event.
  • Magkakaroon din mahigit na pagpapatupad na social distancing at PPE requirements sa loob ng venue at Olympic and Paralympic Villages.
  • Para sa Covid-19 testing, naka-outline ito sa Playbook na ipapamahagi ng organizers;

2 covid tests ang gagawin bago pumasok ng Japan. Ang mga close contact sa athletes at ite-test araw-araw pagpasok ng Japan. Ang ibang participants naman ay ite-test araw-araw sa loob ng 3 araw at araw-araw din pagkatapos nito. Ang close contact na tinatawag dito ay yung mga nakausap ng isang athlete o participant sa loob ng 15 minuto at mababa sa 1 metro ang layo sa isang participant na walang suot na face ask.

Bukod dito ay may rules rin para sa participants habang ginagawa ang naturang event;

  • Hindi maaaring gumamit ng Japanese public transportation. Ang pwede lang nilang gamitin ay ang transport na gamit para sa Olympics.
  • Maaari lamang kumain ang mga participants, athletes o lahat ng involve sa event sa designated areas lamang (e.g. catering facilities na aprubado ng Olympic Committee).
  • Pag-iwas na magkaroon ng contact sa mga residente ng Japan at kung sino man nasa bansa na sa loob ng 14 na araw o higit pa.
  • Kailangan mag-stick ang lahat ng participants sa kanilang activity plan at iwasan ang activities na hindi nakalagay sa kanilang plan.

Importante rin na masunod ang general rules na inilatag ng organizers tulad ng pagsusuot ng face masks, pag me-maintain ng social distancing at paghuhugas ng kamay regularly. Proper hygiene ang isa sa importanteng factor para makaiwas na madapuan o mahawahan ng Covid-19. Doble ingat din ang kailangan sa mga masikip na lugar tulad ng hotel rooms at sasakyan.

Laging tandaan, ang success ng Tokyo Summer Olympics 2021 ay nakasalalay sa lahat ng taong involved sa naturang palaro. Mula sa organizers, athletes at iba pang involved sa naturang event na ito.

Paalala: Dapat lagi kayo nakaantabay sa kung anumang pagbabago ng requirements o updated informations mula sa Olympic organizers habang nagpapatuloy ang Tokyo Summer Olympics.