Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Tokyo 2020 Summer Olympics Guide

As of this writing ay tuloy ang Tokyo 2020 Summer Olympics. Kasado na ang lahat ng preparasyon sa pagbubukas ng prestihiyosong event sa July 24 hanggang August 8, 2021. Naglatag na rin ang lahat ng mga organizing committee ng guide na susundin ng spectators at viewers upang saksihan ang Tokyo Olympics.

Ang desisyon nila na i-postpone ang Olympics noong isang taon ay para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan ng Japan at pati na rin ang mga atleta at participants ng naturang event. Noong isang taon ay kasagsasagan din ng pandemic na dulot ng Covid-19 kaya minabuti nilang i-hold muna ang event. Postponed man noong 2020 at itutuloy ng 2021 ay kinumpirma pa rin ng International Olympic Committee president na si Thomas Bach na tawagin itong Tokyo 2020 Olympics.

17 araw na siksik ng aksiyon ang mga araw mula July 24 hanggang August 8 ang siguradong aabangan ng viewers sa telebisyon sa buong mundo at maging ilang spectators sa Japan. Nagpakalat na rin ng Tokyo Olympics guide upang magkaroon ng overview ng games kasama na ang mahalagang dates, events, sports venues at ticket information para sa mga gustong manood.

Ang Opening ceremony na gagawin sa Tokyo Olympic Stadium. Ang sports action ay magsisimula makaraan ng 2 araw na uumpisahan ng soccer at softball matches kasama na ang qualifying rounds para sa rowing at archery na magsisimula sa araw mismo ng ceremony. Bukod sa nabanggit na sports ay ang iba pang sports na kasama ay gymnastics, fencing, tennis, table tennis, shooting, at cycling.

At ang Closing Ceremony ay magaganap sa huling araw ng mga games. Pagkatapos ng Tokyo 2020 Olympics, ay susunod agad after 15 days ang Tokyo Paralympic Games.

Para sa updates ng games ay tumunghay sa Tokyo Olympics schedule.

Foreign Visitor Ban

Alam ng lahat na ang Tokyo Olympic games ay siguradong dadagsain ng spectators at foreign tourists mula sa iba’t ibang bansa pero napag-desisyunan ng Japanese government na i-impose ang pagpasok ng foreign visitors (except sa participants at lahat ng involve sa Olympics) para maiwasan ang pag-surge ng coronavirus infection sa Japan. Mahirap man ang kanilang naging desisyon pero ang kaligtasan ng kanilang mamamayan at lahat ng involved sa Tokyo Olympics ang kanilang isinaalang-alang. Nire-respeto naman ito ng IOC at ni IOC president Thomas Bach pero umaasa sila na ang fans sa buong mundo ay manatiling manood sa live broadcast ng event.
Humingi rin ng pabor ang IOC sa Japanese government na kung maaari ay papasukin sa bansang Japan ang foreign sponsors at overseas Olympic committees para maka-attend sa naturang event in person.

Olympic venues

Dalawang main zones: Heritage zone (area ng ’64 Olympics) at ang Tokyo Bay zone (ang bagong gawang venue). Ang dalawang zone na ito ay mag-ooverlap para maka-form ng simbolong infinity na sumisimbulo sa legacy ng naturang event of games mula sa nakaraan, kasalukyan at hinaharap.

43 na venues ang gagamitin. Tokyo Bay Zone na may 13 venues at ang Heritage Zone na 7 ang venue at mayroon ring outlying venues para sa sports na may specific requirements. Libu-libong volunteers ang magiging ambassador ng Olympics na tutulong upang maging smooth-running ang lahat ng pagdadausan ng games.

Ang bagong National Stadium ang magiging main stadium na tulad noong ’64 Olympics. Ini-rebuild nila ang naturang stadium na may 68,000 seats. Dito gagawin ang lahat ng track and field events pati na rin ang opening at closing ceremonies ng Tokyo 2020 Olympics.

Ang pinaka-malapit na station sa National Stadium ay ang Sendagaya Station (Shinjuku district) sa Chuo-Sobu Line.

Listahan ng Sports sa Tokyo Olympics

Aquatics: artistic swimming, diving, swimming, water polo
Archery
Athletics
Badminton
Baseball (new sport): baseball, softball
Basketball: basketball, 3-on-3 basketball
Boxing
Canoeing: slalom, sprint
Climbing (new sport)
Cycling: BMX freestyle, BMX racing, mountain biking, road cycling, track cycling
Equestrian: dressage, eventing, jumping
Fencing
Field hockey
Football
Golf
Gymnastics: artistic, rhythmic, trampoline
Handball
Judo
Karate (new sport): kata, kumite
Modern pentathlon
Rowing
Rugby sevens
Sailing
Shooting
Skateboarding (new sport)
Surfing (new sport)
Table tennis
Taekwondo
Tennis
Triathlon
Volleyball: volleyball, beach volleyball
Weightlifting
Wrestling: freestyle, Greco-Roman
Tokyo 2020 mascots

At ang Tokyo 2020 mascot ay isang futuristic na character na tinawag Miraitowa. Ang personality ng Miraitowa ay halaw sa traditional Japanese proverb na matutuhan ang lumang kaugalian upang matuto rito. Ang mascot na may malakas na sense ng justice at may special ability na makagalaw kahit saan.
Tokyo 2020 Olympics tickets: Refunds and validity
Ang mga residente ang unang binigyan ng pribelehiyo upang makakuha ng tickets mula sa Tokyo 2020 official website bago ang ibang sports fans mula sa iba’t ibang bansa at ang travel packages mula sa kani-kanilang bansa (Authorized Ticket Resellers (ATR).

In-announce din ng IOC na ang tickets na nabili noong nakaraang taon ay valid pa rin pero para sa mga overseas fans na nagbalak na masaksihan ang event sa Japan mismo (pero dahil sa tavel restrictions na in-impose ng Japan government) ay ire-refund na lamang ang kanilang Olympic tickets.

Para sa nakabili ng tickets direkta sa Tokyo 2020 Official Ticket Website ay pwedeng mai-refund ang ticket sa same site kung saan nila nabili ang ticket. Ang refunds naman na nabili ang ticket thru ATR ay ihahandle ng mga kumpanyang may hawak rito ayon sa terms and conditions.