Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Tirso Cruz III, bagong FDCP Chairman

Ang beteranong aktor na si  Tirso Cruz III ay in-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang bagong chairperson of the Film Development Council of the Philippines(FDCP) kahit na may ipinakitang reappointment letter si Liza Dino ni dating Pangulong Duterte na sana ay magtatagal hanggang 2025.

Lumabas ang balita noong July 4 nang in-aanounce na may mga bagong appointees upang pangunahan ang FDCP at ang Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB).

Pinatunayan naman ito i Direk Joey Reyes sa pamamagitan ng kanyang FB post na kino-congratulate ang bagong chairman.

Welcome naman kay Liza Dino ang appointment ni Tirso at nagpahatid na siya ng congratulations dito.

Bukod sa bagong chairman ng FDCP, ay may bagong appointed MTRCB chairman din sa katauhan naman ng isa ring veteran actor na si Johnny Revilla.

Samatala, si Mark Lapid naman ay nare-appoint bilang chairman of  Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).