Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Tips and Objectives on Online Selling

Nang magsimula ang pandemic noong nakaraang taon ay biglang nauso ang online selling bilang ang karamihan ay naka-lockdown at hindi makalabas ng bahay. Ang iba na nawalan ng trabaho ay ginamit ang online selling bilang alternatibo para maging source ng income habang ang iba ay makahanap ng oportunidad para mas maging produktibo ang kanilang free time at magkaroon ng extra income. Marami ang tumangkilik ng online selling bilang maraming hindi makalabas para makabili sa mga malls at grocery stores.

Narito ang ilang tips para sa pagsimula ng  isang online shop. Kung ikaw ay interesado sa pagbukas ng sarili mong online shop siguradong makakatulong ito sa iyo.

  1. Target market

Importanteng alamin mo ang iyong target market para mas madali mo ma-communicate ang iyong binebenta sa iyong prospect buyers. Mainam na may malinaw na translation at very detailed ang bawat description ng items na iyong binebenta tulad ng size, kulay at technical specifications. Humingi din ng customer feedback o reviews para lalong makahikayat ng ibang buyers na bumili ng iyong produkto. Gandahan at gawing presentable din ang packaging ng iyong produkto.

  1. Customer Service

Napakaimportante na maayos ang iyong pakikitungo sa iyong buyers. Siguraduhing maging magalang at mahaba ang pasensiya lalo na sa mga buyer na maraming tanong o inquiries tungkol sa iyong produkto. Siguraduhin na klaro ang warranty ng iyong produkto. Magkaron ng iba’t ibang klase contact details tulad ng email, mobile number or social media account kung saan mas madali kang makausap ng iyong buyers. Malaking tulong din ang maglagay ng Frequently-Asked-Questions (FAQ) para mas malinaw ang mga detalye ng iyong shop sa mga customer. Ang common na nakalagay sa FAQs ay payment options, shipping details and prices, warranty ng produkto at Do’s and Don’ts o usage ng produkto.

Maaari mo din ibilang ang Loyalty Program o earning points para mahikayat ang iyong mga buyer na bumalik balik sa iyong online shop at irecommend ito sa ibang tao.

  1. Payment Method

Mahalaga na may iba’t ibang klaseng payment method ka na maaaring ibigay sa iyong buyers na option para mas convenient ito sa kanila. Ito ay ilan sa payment options na maaari mong isama: credit or debit card, cash-on-delivery (COD) o kaya pagbayad mula sa convenience stores (konbini).

  1. Mabilis na shipping

Mayroon na mga same-day o kaya next-day delivery na maaari mong pagpilian. Suriin ang mga courier na available. Alamin ang delivery lead time at ang presyo para maisama ito sa total ng babayaran ng customer.

  1. Online Marketplace

Alamin kung saan mo ilalagay at ipopost ang iyong mga produkto. Maraming online platforms na maaari mong pagpilian. Suriin ang bawat isa na babagay sa iyong target market. Alamin din kung mayroon transaction fees, service charge at iba pa ang bawat online platforms na maaaring magdikta ng presyo ng iyong produkto.

  1. Credibility

Malaki ang impact ng pagregister ng iyong online business para sa iyong buyers. Marami ang scammer lalo na online kaya ang pagregister ng iyong shop ay magkakaron ng kredibilidad at magtitiwala ang iyong buyers agad sa iyong shop.

  1. Marketing at Advertisements

Maraming paraan para magkaroon ng “online presence” at magkaroon ng followers sa iyong shop. Isa sa mga una at epektibo na paraan ay ang raffle, share, like and tag option na maghihikayat sa bagong followers na mag-tag ng kanilang mga kaibigan para mahikayat na sumali sa iyong raffle. Magkaroon lamang ng malinaw at madaling sundin na mechanics para mas maraming sumali sa iyong raffle. Ang isa pang malimit na ginagamit na paraan ay ang pagsponsor sa celebrities, influencers at vloggers ng iyong produkto para mas maraming makakakita ng iyong produkto. Maaari din na magkaroon ka ng sale or promos para mas ma-entice ang iyong buyers na bumili ng iyong produkto. Pwede mo din iconsider ang paid ads ng social media platforms tulad ng Facebook at Instagram.