Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

How to Make Money from Home

Maraming trabaho ang maaari mong gawin mula sa iyong sariling lugar. Kung ikaw ay nasa bahay lang, nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, nag-aaral o nais lamang kumita ng dagdag na income na maaaring makatulong sa pang araw-araw na gastusin sa bahay, pwedeng kumita gamit ang computer at ang internet. No age limit at pwede mo itong gawin sa libreng oras mo habang nasa bahay ka lang.

Marami rin mga dayuhan sa bansang Hapon ang biglaang naharap sa hindi inaasahang pagkawala ng trabaho at maraming nag-isip na maghanap ng kani-kanilang mga gigs para may pagkakitaan sila. May listahang dito na maaaring pagpilian para sa side job ninyo:

Online English Teacher

Ito ay isa sa pinakatanyag na mga side-job para sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan. Ang pagtuturo ng Ingles o tutor ay isang open flexible at ina-allow na magturo mula sa bahay, pagkatapos ng regular na oras ng trabaho, sa paaralan, o sa mga araw ng linggo. Mga fundamental na pagtuturo ng Ingles para sa nursery-school, hanggang sa pagtuturo sa mga pang-elementarya o sekondaryong mag-aaral at sa pagtuturo ng mga kurso sa antas ng negosyo.

Mayroon ding pribadong pagtuturo ng Ingles bilang isang freelancer sa pamamagitan ng mga platform tulad ng Hello Sensei o Eigo Pass. Isang option rin ang eikaiwa cafe, kung saan nag-uusap lang kayo ng iba’t ibang kagiliw-giliw na paksa gamit ang salitang Ingles. Halimbawa dito ay ang Easy Eikaiwa o LeafCup English Café.

Social Media Manager

Maaari mong gawing part time ang pagiging addiction mo sa social media. May mga kompanya na naghahanap para mamahala sa kanilang social media, na ang tanging gagawin ay magbibigay puna mula sa newsfeed ng Instagram at Facebook. Paglalagay ng tukoy na ads para sa target user at husay sa pagse-search sa google. Magandang pagkakataon rin ito para magtrabaho mula sa bahay.

Blogger

Ang pag-blog ay maaaring isang libangan at isang paraan na rin para makabuo ng sariling tatak. Ito ay isang mura at madaling simulang gawin. Maaari itong maging kasing simpleng pagsusulat mo lamang tungkol sa iyong paboritong musika o pagkain, at gagawa ka ng tema na magbibigay interest sa iyong manunuod. Ang kinikita sa pagba-blog ay sa pamamagitan ng mga ad, produkto, coaching, paid offering at iba pa. May mga libreng platform tulad ng WordPress.com, Tumblr, YouTube at iba pa na pinagsisimulan ng blog.

Baker/ Cook

Kung ikaw ay may talento o mahilig sa magluto, ibaling ang passion sa online side business. Gawing isang negosyo ang pagkahilig sa pagluluto. Mula sa iyong sariling kusina, magsimula ng isang online baking na negosyo upang maabot ng iba’t ibang mga customer. Maaari kang magsimula ng isang negosyo sa pag-cater o maging isang personal na chef. Kung ikaw ay isang panadero, maaari kang magbenta sa mga kaibigan, kapitbahay o sa pamamagitan ng online sa Facebook, Instagram at YouTube. Nag-eenjoy ka na kumikita pa.

Affiliate Marketer

Para sa mga hindi pamilyar sa Affiliate Marketer, ito ay isang proseso kung saan kumikita ang isang affilliate marketer ng komisyon mula sa pag ma-market ng mga produkto ng ibang tao o ng isang kumpanya.

Sabihin nating mayroon kang isang website at mag-re-refer ka ng isang produkto sa isang kompanya. Kapag nag-click ang visitor sa affiliate link at binili ang produkto, babayaran ka ng kompya sa porsyentong nabenta. Maraming nagkaka-interest sa affiliate marketer sa kadahilanan kahit wala ka sa harap ng computer at dahil sa marketing skill patuloy pa rin ang pagdaloy ng kita.

Milyon-milyong mga tao na ang gumagawa nito araw-araw. Mula sa freelance digital nomads hanggang sa matatalinong mga marketer at mga matataas na negosyante, maraming ideya sa negosyo ang maaari mong subukan sa bahay gamit ang iyong laptop at isang solidong koneksyon sa internet. Huwag maghintay para sa ibang taong gawin ito. Umpisahan mo na.