Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

The Ruffa Guttierez saga

Ruffa Gutierrez

Medyo matagal din ang itinakbo ng petition for annulment case ni Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. 2009 pa lang nung ito ay nai-file ni Ruffa at kamakailan lang ay lumabas na ang desisyon ng korte sa pagpapawalang bisa ng kanyang kasal kay Yilmaz.

Ibinigay din sa kanya ng korte ang karapatan sa kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice at si Yilmaz naman ang karapatang bisitahin ang mga anak. Masaya at naging emosyonal si Ruffa dahil hindi naging madali sa kanya ang pinagdaan at ang haharapin ng kanyang mga anak na bagong kabanata ng kanilang buhay.

Masaya ang mga taong nakapaligid at mga tapat na kaibigan ni Ruffa dahil nakita nila ang pagpupunyagi at hirap ni Ruffa upang maitaguyod ang kanyang mga anak.