Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Legacy climbing up the charts

Lovi Poe

Habang nagtatagal ay lalong gumaganda ang Legacy kung saan tinatampukan ng mahuhusay na artista tulad nina Eddie Garcia, Cherrie Gil, Lloyd Samartino, Maritoni Fernandez, Sid Lucero at pinangungunahan ng magaganda at naseseksihang sina Lovi Poe, Heart Evangelista at Alessandra da Rossi.

Nung una kong napanood ang Legacy ay napansin ko lang na parang malamya magsalita si Lovi Poe. Habang nagtatagal at sinusundan ko ang naturang teleserye ay nasabi ko sa sarili ko na ganun pala talaga magsalita si Lovi Poe.

Walang masyadong impact at kahit galit na ay parang naglalambing pa rin kung magsalita. Ewan ko kung ako lang ang nakapansin nito pero sa kabuuan ay maganda ang istorya at mahusay ang cast.

Hindi nga ako nagtataka kung ito ay nakikipagsabayan sa taas ng ratings sa katapat na programa sa kabilang istasyon.

Comments are closed.