Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

The Healthy Konbini Foods

Kadalasan, kapag sinabing convenience stores ay iisipin nating puro non-healthy foods and snacks ang kanilang ino-offer pero dahil na rin sa pagiging popular ng convenience stores ay naisip ng mga operator nito na mag-offer ng healthy foods. Ang mga sumusunod na convenience store ay may healthy snacks at pagkain para sa consumers:

1. Lawson

Photo from: Instagram @om.oto.mo

Bran Bread – Ito ay gawa sa wheat at balat ng bigas na may low sugar content para sa health conscious customers. Ang dalawang bran bread rolls ay may 83% less sugar kesa sa regular bread rolls.

Photo from: Instagram @a.tomibu
Photo from: Instagram @mai_kabocha

Chips and Cookies – Ang Natural Lawson ay masasabing pinaka-best na convenience store para sa vegans. Nag-o-offer sila ng snacks tulad ng Calbee Vegips, Sweet Potato, Carrot Pumpkin Macrobiotic Cookies. Ang mga gulay ay walang sugar content o asin para malasahan ang natural sweetness at saltiness nito. Ang macrobiotic cookies naman ay gawa sa wheat, beet sugar syrup, grapeseed oil, pumpkin powder at salt. Ang lahat ng sangkap maliban sa grapeseed oil ay produced locally.

2. Family Mart

Myojo Rizap Noko Miso Ramen – Instant ramen sa bowl na may low sugar content na ginawa ng popular na bodybuilding gym, Rizap. Ang sugar content per serving ay mababa sa 50% kesa sa tipikal na cup ramen. Ang noodles ay gawa sa natural fiber at hindi fried at ang mayamang miso-flavored soup nila ay may karadagdagang ginger aroma. Ang toppings ay steamed chicken at flavored minced chicken. May limited quantities na ibinebenta sa FamilyMart at Circle K Sunkus.

Photo from: Instagram @mario_ito1001

Rizap Nameraka Cheesecake (Custard Pudding) – Gumawa sila ng custard pudding na may iba’t ibang flavor tulad ng berry cheesecake na gawa sa raspberry flavor na may sweet and sour taste at ang cream cheese na ginamit ay mula sa Australia. Ang cheesecake na ito ay mayroon lamang 193 calories. Ang smooth pudding na ginamitan ng fresh cream mula sa Hokkaido, natural sugar at maple sugar ay ginamit para mas malasa. Ito ay may 164 calories lamang.

3. 7 Eleven

Salad Chicken – Ang kanilang plain chicken ay nilagyan lamang ng asin at paminta na slowly steamed o pinasingawan. Dahil sa ito ay luto na, maaari na itong kainin na hindi na kailangan initin. Mayroon din silang bite-sized portion na nakalagay sa container kasama ang salad. Perfect na topping ang plain chicken para sa salad. Mayroon din silang ibang flavors na maaaring pagpilian.

Photo from: Instagram @kamenridertaipuwairudo

Mackerel Fish in Miso Sauce – Pinaghalong red at white miso ang mackerel fish. Dinagdagan ng grated ginger upang maalis ang lansa at maging mas malasa. Mayroon din silang iba pang klase ng isda na maaaring subukan.