Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Edgar Allan Guzman to play the role of mining expert in upcoming movie

Excited si Edgar Allan Guzman sa kanyang pagbabalik pelikula. Sa isang exclusive interview, nabanggit ng The Dragon Lady actor na si Edgar Allan ang kanyang pagbabalik pelikula.

Actually, may ginagawa ako pero hindi pa tapos, movie ko with Coleen Garcia under 360 Productions, sila ‘yung nag-produce and i-distribute siya ng Viva.

Iso-showcase ng pelikula ang kanilang unang tambalan sa screen ni Coleen Garcia kung saan sila ay gaganap na lovers.  Ayon kay Edgar Allan, hindi ito isang ordinaryong love story type of a movie kundi may kabuluhan dahil tatalakayin din dito ang ilang issues na bumabalot ukol sa kapaligiran.

It’s also a love story about nature and mining. So, nag-shoot kami sa Palawan, Rio Tuba.  Ipapakita ng movie ‘yung importance ng mining. Ang dating kasi sa ibang tao, nakakasira ang mining o pera-pera lang,” lahad ni Edgar Allan.  Sa pelikula ay gagampanan ni Edgar Allan ang isang mining expert.

Sobrang matalino ako rito, nerd ako sa movie, so lahat alam ko about mining and Rio Tuba.  Mabait ‘yung role ko rito. Ako ‘yung boses ng movie, ako ‘yung nag-e-explain sa characters ng importance ng mining sa Pilipinas.  Actually, mahirap kasi ‘yung mga linya ko scientific ‘tapos malalalim, so kailangan consistent ako na mabigkas ko siya ng hindi mukhang scripted. Siyempre, naghanda naman ako for that, inaral ko talaga ‘yung role,” dagdag pa ni Edgar Allan. 

Umaasa siya na maipapalabas ang movie this year. Matatandaang huling nakita sa pelikula si Edgar Allan noong 2017 sa Metro Manila Film Festival movie, Deadma Walking.