Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

TFC continues to bring cheers to Filipinos in Asia Pacific with 2017 offerings

Matapos ang sunud-sunod na mga programa, events at pelikula na inilunsad ng ABS-CBN The Filipino Channel (“TFC”) noong 2016, tuluy-tuloy angKapamilyang handog ng network sa Asia Pacific ngayong 2017.

Ayon kay Ailene Averion, ABS-CBN Global Ltd. managing director for Asia Pacific, “Simula noong 1994, kabahagi na ng mga Kapamilya sa Asia Pacific ang TFC sa pamamagitan ng stars at shows.  Ngayong taon, patuloy pa rin ang pagbabahagi ng network ng mahahalagang impormasyon, programang nagbibigay inspirasyon at celebrities na hatid ang piling ng isang Kapamilya.

Bahagi ng misyong ito at bilang pag-agapay sa bawat bahagi ng kanilang buhay sa ibang bansa, handog ng TFC ang mga bagong programang tinatalakay ang mga bagay na patuloy na pinahahalagahan ng mga Pilipino.

Ilan dito ay ang mga program mula sa ABS-CBN na nagpapakita ng mga Filipino values: pagmamahal sa pamilya sa “A Love to Last” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion; ang pagkapit sa pag-asa sa “My Dear Heart” na pinagbibidahan nina Coney Reyes, Zanjoe Marudo, Bela Padilla at child star na si Nayomi Ramos; katatagan ng loob sa “Wildflower;” pagpapahalaga sa isang pangako sa “The Better Half” at pagsunod sa alab ng puso sa “Pusong Ligaw” at “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Hatid din ng TFC ang mga kaganapan sa loob ng bansa sa pamamagitan ng live news programs tulad ng “TV Patrol,” at pagtalakay sa mga isyu na mahalaga sa kanila kagaya ng mga programang “Rated K.

Napapanood ang mga programa na ito kahit saan at kahit kailan dahil sa iba’t ibang platforms ng TFC na hatid sa iba’t-ibang bansa sa pakikipagtulungan sa licensees: cable, Internet Protocol Television (IPTV) at online (TFC.tv), na maaaring panoorin sa iba’t-ibang devices: desktop, laptop, mobile browser at android devices.

Naaabot din ng TFC ang mga Pilipino na bumabiyahe sa mga karagatan sa pamamagitan ng seafarer DVDs at linear channel ng TFC sa cruise ships.

Bukod sa iba’t ibang TV programs, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga Pilipino sa ibang bansa na mapanood ang mga quality films na nae-enjoy din ng mga Pilipino sa Pilipinas, mula sa ABS-CBN film production outfit na ABS-CBN Film Productions Inc. (“Star Cinema”) at iba pang film production units via TFC@theMovies (sa pakikipagtulungan ng licensees) at Pay Per View on TFC. Nitong nakaraang quarter, dinala ng TFC@theMovies sa mga Kapamilya abroad ang pelikulang “My Ex and Whys,” ang comeback movie ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil sa big screen at ngayong namang buwan ang “Can’t Help Falling in Love,” ang pinakaaabangang tambalan mula kina Kathyrn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang ilan sa mga pelikulang ito ay dinaluhan ng mga stars ng pelikula katulad ng sa premiere ng “Just The Three of Us” kasama si John Lloyd Cruz at DJ ChaCha, sa Malaysia noong May 9 at “Barcelona: A Love Untold” kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong September 18. Pagkatapos ng theatrical screenings, napapanood din ng mga Kapamilya sa Asia Pacific ang mga pelikulang ito sa Pay Per View on TFC.

The Kapamilya Experience

 

 

 

Higit pa sa panonood sa mga programa ng kanilang mga paboritong artista, nais din ng TFC na makasama ng mga kababayan ang Kapamilya stars. Ito ay sa pamamagitan ng mga program-based events na isinagawa sa pakikipagtulungan ng local partners tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano Isang Pamilya Tayo Grand Fans Day” sa Hong Kong noong December 11, Sa HK leg ng programa, personal na nakita ng humigit-kumulang na 4,000 ang mga bida ng palabas na sina Coco Martin, Yassi Pressman, Awra Briguela at Daryl Ong.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilan pa sa mga events na ito ang “JaDine In Love World Tour” na ginanap sa Singapore ang last stop ng world tour nina Nadine Lustre at James Reid noong June 26 kasama sina Kyla, Daryl Ong plus DJ Jai Ho at ang “Magpahanggang Wakas” sa Malaysia kasama sina Jericho Rosales at Arci Muñoz noong December 4 sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy.

Para matulungan ang mga Filipino community groups na dalhin ang mga tradisyonal na selebrasyong Pinoy sa ibang bansa, sinuportahan din ng TFC ang Independence Day Festival sa Japan, ang Pamaskong Handog event sa Taiwan kasama sina Rayver Cruz at DJ Cha Cha sa pakikipagtulungan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) noong December 11; Kapangyawan Festival kasama si Cruz at komedyanteng si Negi noong June 12; at iba pa, na mainit na tinanggap ng mga Pilipino sa mga bansang iyon.

Ipinagmalaki ring ibinahagi ng TFC ang world-class talents ng Kapamilya stars nang ilunsad nila sa unang beses sa South Korea ang “One Kapamilya Go! (OKGo!), kung saan nagtanghal sina Maja Salvador, Rayver Cruz, KZ Tandingan, at DJ Cha Cha noong April 10.  Kabilang din dito ang ika-25thcelebration ng Star Magic na unang inilunsad sa labas ng bansa sa Australia kasama ang ilan sa pinakasikat na talents nito: Piolo Pascual, Pokwang, Liza Soberano at Enrique Gil noong October 30.

Ayon sa ABS-CBN Global Ltd. Regional Marketing Head for Asia Pacific na si Eric Santos, mayroong mga plano na dalhin ang mga ganitong events sa mas marami pang bansa. “Nakita namin ang mainit na pagtanggap ng mga Filipino overseas sa ating mga artista kaya naman gusto naming dalhin ang mga karanasan na ito sa mga Pilipino na nasa iba pang bansa sa Asia Pacific.”

Bilang pagkilala sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang pamilya lalo na tuwing Pasko,  inilunsad ng TFC ang “Kapamilya Reunion” event, na ngayo’y nasa ikalawang taon na. Layunin ng virtual reunion na ito makasama ng mga Pilipino overseas ang kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas sa pamamagitan ng teknolohiya at social media.

Noong 2016, apat na Pilipino overseas mula sa Hong Kong ang sumali sa naturang event, kung saan nagkaron sila ng maagang Noche Buena kasama ang mga kamag-anak na nasa Pilipinas, at sinamahan pa ng ilang Kapamilya stars. Isinagawa rin ang Kapamilya Reunion sa U.S., Canada, Australia at New Zealand.