Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Mga Pinoy na nagsisilbing ‘sunshine,’ ibinida sa star-studded ABS-CBN 2017 summer station ID

Much-anticipated na summer station ID mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC sa key countries worldwide

Halos isang daang Kapamilya stars ang nakisalo sa ningning ng mga ordinaryong Pilipinong nagdadala ng inspirasyon araw-araw sa kanilang kapwa sa pinakaaabangang ABS-CBN summer station ID 2017 na inilunsad nitong ikatlong linggo ng Abril.

May temang “Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo” ang video ay nakakuha na ng higit sa isang milyong views sa YouTube, habang nag-trending topic noong launch naman ang #IkawAngSunshineKo sa buong mundo sa mga post ng mga Pilipino kaugnay ng mga artista at nakaka-inspire na kuwentong napanood nila sa video.

 

Makikita sa station ID kung paano maaaring makapagpasaya sa simpleng paraan tulad na lamang ng mga matatapang at palangiting bangkera ng Lake Pandin na nakasalamuha ni Judy Ann Santos at ang nakakatuwang pedicab driver na si Ryan “Boy Violet” Aruta na panay kulay lila ang gamit, na sinorpresa ni Vice Ganda.

Nakikanta naman sina Lea Salonga, Bamboo, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo kay Sr. Gloria Agagon, daughters of Mary Help of Christians o mas kilalalang FMA, na kahit may edad na ay marunong pa ding mag-rock and roll. Nakilala rin ng tambalang TonDeng na sina Ian Veneracion at Bea Alonzo ng “A Love to Last” si Mang Manny Dela Rosa na nagdadala ng saya sa mga pasahero ng tren gamit ang kaniyang bamboo flute.

Nakakuwentuhan din nina John Lloyd Cruz, Coco Martin, at Piolo Pascual ang ilan pang Pinoy na patuloy na nagpapakita ng positibong pagharap sa buhay sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

Sabi ng isang volunteer sa mosaic mural ng Baclaran kay Cruz, pangarap niyang makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng sining. Ang estudyanteng si Dara Mae Tuazon naman, pinabilib si Martin at ang buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kanyang pagturo sa mga bata sa kalye sa libre nyang oras. Hinimok naman ni Pascula ang mga batang may kapansanan na huwag bumitaw sa kanilang pangarap.

Ipinapakita rin sa video ang mga proyekto ng ABS-CBN para makatulong sa mga Pilipino tulad ng “TV Patrol Kapamilya Caravan” na nagdala ng serbisyo sa pangunguna nina Noli De Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano sa Zamboanga, Tacloban, at Pangasinan; maging ang “DZMM Kapamilya Day” na naglibot din sa iba’t-ibang barangay sa Metro Manila at kalapit na probinsya. Makikita din sa video ang mga ABS-CBN News journalists na sina Kim Atienza, Jorge Cariño, at Anthony Taberna na masayang namimigay ng mga salamin at payong sa mga nagtitinda at driver sa daan.

Kasama rin sa summer station ID ang mga pinakasikat na love teams at artista mula sa mga hit na programa na masayang ginagawa ang mga paboritong summer activities ng pamilyang Pilipino sa Pilipinas. Gawa ang video ng Creative Communications Division ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Robert Labayen sa direksyon nina Paolo Ramos at Peewee Azarcon Gonzales.

 

Inawit ito ng BoyBandPH, “Pinoy Big Brother” Big 4 Maymay Entrata, Kisses Delavin, Yong Muhajil, and Edward Barber, “Tawag ng Tanghalan” Top 3 Noven Belleza, Sam Mangubat at Froilan Canlas, at teen stars Sue Ramirez, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, Kira Balinger,at Ylona Garcia na tampok sa lyric video na mayroon namang mahigit na sa dalawang milyong views sa YouTube.

 

Kasama ni Labayen, sina Love Rose De Leon, Johnny Delos Santos, at Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz ng CCM sa pagsulat ng kanta, habang ang musika ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana.

Ilan sa mga miyembro sa 2017 Station ID Creative and Production Team sina Dang Baldonado, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Sheryl Ramos, Adrian Lim, Chiz Constantino-Perez, Lota Rosales, Mark Bravo, Christer John Salire, Christian Faustino, Angela Suarez, Stephanie Angeles, Edward Ramirez, Christian Abuel, Francheska Elyzza Castro, Maria Karen Sto. Tomas, Marjorie Ofaga, Kay Batac, Christine Joy Laxamana, Vlad Navalta, Leeroy Lim, Lara Allardo, Mark Raywin Tome, Karen Adiova, Shally Tablada, Elisha Blando, LA Sibug, Limer Veloso kasama ang ABS-CBN Integrated Marketing na pinamumunuan ni Nandy Villar. Naki-partner din ang station ID team sa ABS-CBN Global, ABS-CBN TV Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN Regional, ABS-CBN Sports and Action, ABS-CBN Licensing, ABS-CBN Property Management, ABS-CBN Safety and Security, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., ABS-CBN Star Magic, ABS-CBN Digital Media Division.

Ang ibang kasali sa naturang team ay sina Tess Perez-Mendoza and Aye Duñgo, Traffic and Operations; Jaime Porca, Technical Production Head;Jacquelyn Fernandez, TOD Technical Producer; Joselito De Jesus, Art Director; Oliver Paler, Carmelo Saliendra, Dennis Amarille, Alfie Landayan, Meryl Pacis, Maria Concepcion Ignacio-Salire, Mark Gonzales, Sebb Turgo, Jasper Herrera, Raphael dela Rea, Karlo Victoriano, Teters Enrique, Lawrence Macanaya Post Production Team; Mark Antonio, Emil Hembra, Shane Ibañez, Joseph delos Reyes, Mico Manalaysay, Videographers;Carmelo Saliendra at Regine Binuya, Print Graphic Designers; Arnold Sulit, Location Manager; Renato Valerio, Darwin Dueñas, Jenverly Esber, Jesusa Canilang, Irene Tugade, Production Coordinators; Robert Jeres, Rolando Jeres Jr. Utilitymen.

Abangan ang mas mahabang pagpapakita ng mga kuwento ng sunshine sa ABS-CBN summer station ID 2017 hatid nina Judy Ann Santos, Vice Ganda, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “The Voice Teens Philippines” coaches, at Ian Veneracion at Bea Alonzo ng “A Love to Last” sa official ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Gamitin lamang ang hashtag na #IkawAngSunshineKo para makasali sa pagpapalaganap ng katuwaan sa mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ngayong season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *