Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Tax sa sigarilyo at alcohol, kinwestiyon

Isang mamababatas ang nagkukuwestiyon sa hindi parehas na buwis sa tabako at alcohol at ito ay sa ilalim ng House Bill 1527 kung saan mas mababa ang buwis  sa alcohol particular na ang mga produktong beer.

Nagpahayag ng hindi pagsang-ayon si Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa panukalang excise tax na nagpapataw ng 700 porsiyentong tax increase sa mga mababang halaga ng cigarette brand samantalang 32 porsiyento naman ang sa beer. Ayon kay Magsaysay, ang 700 porsiyento ang pinakamataas na tax increase sa anumang produkto sa buong mundo.  Kabaligtaran naman ito sa buwis sa alcohol na mas mababa sa buwis na ipinapatas sa beer.

Hiling ni Magsaysay na dapat ay pantay na lang ang buwis ng tabako at alcohol.