Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

. Men in Red

Kung sa U.S. ay may  Men In Black,  mayroon din ang Pilipinas, ang “Men In Red”. Ito ang bagong tawag sa mga nanghuhuli ng mga jaywalkers na ipinakalat ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang ipatupad angmas mahigpit na batas laban sa jaywalking at tinapatan pa ng mas mahal na multa kapag nahuli.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ito ang tamang panahon upang disiplinahin ang mga pedestrians dahil para sa kanila rin naman ito at para maiwasan ang sakuna sa kalye.  Ang mga manghuhuli ay pawang nakasuot ng pulang polo shirt na mayroong MMDA logo na manghuhuli ng mga tumatawid sa bawal na tawiran.  Ani ni Tolentino, kung sinuman ang mahuhuli ay iisyuhan ng citation ticket na may multang P200.  Ang mga exempted lang sa multa ay ang mga senior citizen, menor de edad at ang mga may kapansanan na hirap gumamit ng footbridge.  Magkagayunman, hindi man sila pagmumultahin ay pagsasabihan pa rin sila upang makaiwas sa disgrasya at upang hindi abusuhin ang sitwasyon.