Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Taguig City, naghahatid ng Food Pack sa bawat bahay sa panahon ng ECQ

Nagsimula na ang pagpapatupad ng ECQ sa kabuuan ng NCR.  Isa ang pamahalaang lokal ng Taguig City sa sumusunod sa pagpapatupad ng panibagong restrictions upang mabasawan o maiwasan ang pagpasok ng Delta variant sa kanilang nasasakupan.

Bukod sa ayudang ipapamahagi ng pamahalaan ay nagkaroon din ng pagdi-distribute ang Taguig City ng food pack.  Ang layon nila ay upang makatulong sa kanilang mamamayan para maibsan ang gutom habang naka-lockdown.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano na sisikapin niyang hindi magutom ang kanyang nasasakupan habang ipinapatupad ang ECQ. Naghigpit din sila sa kanilang mamaayan at bantay sarado ang kanilang border.

Kapalit nito ay nananawagan si Mayor Cayetano na samantalahin ang pagkakataong ito ng ECQ na magpabakuna kontra Covid-19 para makatulong sa pagsugpo ng pagkalat pa ng naturang virus.