Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sweet Chili and Lemon Fish Parcels

Sangkap:
  • 4 pcs. isda na puti ang loob at malaman tulad ng cod, snapper, atbp.
  • 3 tbsp sweet chili sauce
  • 2 tsp patis
  • katas mula sa 1 lemon
  • tinadtad na dahon ng coriander
  • paminta
  • olive oil
  • parchment paper
Paraan:
  1. Ihanda ang 4 pirasong baking/parchment paper at pahiran ng olive oil (maaari ding gamitin ang spray olive oil)
  2. Ilagay ang fish fillet sa parchment paper.
  3. Pagsamahin ang sweet chilli sauce, patis, lemon juice at tinatad na dahon ng coriander at ipahid sa isda para sa lasa.
  4. Tupiin ang magkabilang dulo ng parchment paper (balutin ang isda) para hindi sumingaw.
  5. Ilagay ang binalot na isda (ang tupi ay dapat nakapataas sa isang baking tray at ilagay sa pre-heated oven na 200 degrees C sa loob ng 12 minuto o hanggang ang isda ay maluto.
  6. Ihain na may kasamang tinadtad na dahon ng at hiniwang (pahaba) lemon.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net